Ang unang dalawampu’t apat na kabanata ng El Fili ay isang karatula ng kailangang magbago ang isang bansang punung-puno ng kasamaan. Ang mensahe ni Rizal sa kanyang nobela ay para makita ang mamamayan kung paano sumama ang kundisyon ng bansa, at ang karaniwang paano sila dapat ibago ang kanilang pagbubuhay upang iwasan ang masama sa lipunan. Para sa akin, hindi lang ito maaaring iugnay sa kanyang panahon. Minsan, magiging bulag ang isang mamamayan sa katiwalian ng lipunan, at kailangang umisip sa sarili kung kailangan itong ibago. Ito ang kagandahan ng mga gawa ni Rizal; unibersal ang kanyang isip, at hindi nito hangganan sa isang panahon.