Ang larawan sa taas ay isang kabalintunaang representasyon ng situwasyon ng mga taong Pilipino noong panahon ng mga Kastila. Marami sa mga Pilipino ay inasaahan na ang kolonisasyon ng Pilipinas ay magdadala  ng mabuting pagbabago, katulad ng mas mabuting edukasyon, relihiyosong aral, isang mapagkakatiwalaang pamahalaan, at iba pang kabutihan na maaring ibigay sa atin ng mga Kastila. Nakakalungkot na hindi ito nangyari dahil kaunti lang ang ginawa ng mga Kastila para sa pagiging masagana ang ating bansa. Nakapokus ang mga Kastila sa kanilang kayamanan, hindi sa kapakanan ng mga kolono, kaya hindi naabot ng Pilipinas ang magaling na lipunan na ipinangarap nila bago pinagkolonisahan ang Pilipinas. Ang pagkukulang ng progreso ay ipinakita rin sa nobela ni Jose Rizal, Noli Me Tangere, dahil sa mga obserbasyon ng pangunahing tauhan, Crisostomo Ibarra. Nag-aral si Crisostomo Ibarra ng pitong taon sa Europa dahil ang kanyang tatay, Rafael Ibarra, ay hindi nagtitiwala sa edukasyon ng Pilipinas. Noong natapos ang kanyang pag-aaral at bumalik siya, napansin niya na parang hindi nagbago ng kahit anong aspeto. Ang unang beses na naramdaman niya nito ay sa ika-apat ng kabanata, Erehe at Filibustero. Naglakad siya papunta sa isang hindi batid na destinasyon  habang tinitingnan niya ang paligid. Nakita niya na lahat ng mga bahay dito ay hindi nagbago Ang puti at asul na bahay na gawa  ng ganayt, ang simbahan at higanteng relos sa harap, ang iba’t ibang tindahan, ang mga tinderong at tinderang nagbebenta na sorbetes, prutas, at kendi , kahit ang mga basag na kalye. Lahat ito ay hindi nagbago. Parang hindi siya umalis sa Pilipinas sa simula. Ipinakita rito na walang ginagawa ang mga Espanyol para ayusin ang kundisyon ng buhay ng mga Pilipino. Ang kabalintunaan sa loob ng larawan ay nilalahad kapag ginamit ang konteksto ng  pangyayaring ito sa ika-apat na kabanata. Sa ikawalong kabanata, Mga Alaala, ay pwede ring magpakita ang pagkukulang ng progreso sa Pilipinas dahil sa mga Espanyol. Pagkatapos ng kanyang pag-uusap kasama ng kanyang irog, Maria Clara, sumakay si Crisostomo Ibarra sa kanyang kalesa at ipinagsimulaan ng kanyang pagpupunta sa San Diego para makita niya ang libingan ng kanyang tatay. Habang lumalakbay siya, nakita niya rin dito na parang walang nabago. Nakikita rin dito na parang nagiging mas masama pa ang kundisyon ng Pilipinas. Isang bahagi ng  kabanatang ito ay katulad sa mga nakita niya sa ika-apat na kabanata. Maraming bagay ay hindi nagbago, katulad ng maraming mga tindahan at kainan at ang mga kalyeng hindi aspaltado ay hindi nagkaroon ng development. Kahit ang mga puno ay hindi tumubo. Isang importanteng detalye ay ang paglalarawan ng Puente de Barcas. Noong nakaraan, ito ay isang dakilang tulay na ginagamit ng maraming tao para makatuwid ng Pasig River. Nang nakita ito ni Crisostomo, ito ay naging luma at wasak-wasak. Ginagamit pa ito ng publiko, nag-isip siya kung bakit hindi sinubukang ayusin ito ng mga Kastila dahil pwede itong bumagsak sa kahit anong oras. Naalala rin ni Ibarra ang isang karanasang nagbigay ng masamang panaginip. Noong labing-isang taong gulang siya, nakita ni Crisostomo ang isang manggagawang namamatay dahil sa init at gutom. Maraming tao ay dumaan sa kanya, pero walang tao ang tumulong sa kanya. Si Crisostomo lang ang nag-alala sa nangyayari sa manggagawa, at ang larawan nitong halos patay na tao ay dumikit sa kanyang isip. Dito ay inilalarawan ang pagiging ignorante ng mga Pilipino sa mga masamang gawa ng mga Kastila. Inabuso ng  Kastila ang mga Pilipino, ninakaw nila ang ating kayamanan, iniisip nila na parang basura sila, at walang ginagawa ang mga Pilipino para maka-iwas sa kanilang paghihirap, hindi sila gumaganti sa pag-aapi ng mga Kastila. Naalala rin ni Ibarra ang isang matandang pari. Pinag-usapan nitong pari ang paghahanap ng ginto sa Pilipinas ng mga Kastila, habang pumupunta kami sa kanilang bansa para makahanap ng ginto rin, pero hindi lagi totoo ang “ginto” na hinahanap natin doon. Ito ay isang analohiya para sa relasyon ng mga Kastila at mga Pilipino. Pumunta ang mga Kastila dito at ninakaw nila ang ating kayamanan para umunlad sila. Binibigyan nila tayo  ng “ginto” sa anyo ng edukasyon, marami sa tinuturuan nila ay hindi kinakailangan ng lipunan. Ipinapakita naman nito ang pagkawalang-katarungan ng mga Kastila sa pakikitungo ng mga Pilipino, at paano hindi sila nagbigay ng halaga sa Pilipinas.