Noong nag-aaral pa ako sa Ateneo, mahirap talaga ang buhay ko. Dahil nagprapraktis ako araw-araw ng basketball, kaunti lang ang oras ko para sa aking pagaaral. Halos bumagsak ako.

Isang araw, sa katapusan ng klase, nagliligpit ako ng aking mga gamit. Habang ginagawa ko ito, lumapit ang aking guro kasama ng prinsipal. Sinabi nila na may importante silang sasabihin sa akin. Tinanong ko tungkol ito sa ano. Isinalaysay ng guro ko na dahil hindi ako nag-aaral ng mabuti, babagsak na ako. Patuloy ng prinsipal na , kung hindi ko aayusin ang mga grado ko, aalisin nila ako sa varisty team ng Ateneo. Sobra ang pagkagulat ko.  Iniwan nila ako para isipin ko ang mga sinabi nila. Umuwi ako sa bahay at nag-isip ako  kung paano ko maliligtas ang aking posisyon sa varsity. Umiikot ang buong buhay ko sa basketball. Kung matatanggal ako sa varsity, mawawala rin ang scholarship ko, at dahil wala pang pera ang aking pamilya para sa tuition ng Ateneo, mawawala ang aking edukasyon. Hindi ako makakapagtapos ng kolehiyo.  Parang susuka na ako sa stress. Hindi ko gustong maging disgrasya sa pangalan ng aking pamilya.

Sa sunod na araw, kinausap ko ang mga kaibigan ko tungkol sa aking problema. Gusto ko sana na tulungan nila ako malutas ang problema.  Sinabi ng isang kaibigan ko sa akin, “Madali lang yan, tuwing may pagsubok tayo, kopyahin mo nalang ang sagot ng mga katabi mo. Mas importante na huwag kang matanggal sa varsity.  Huwag na huwag kang matanggal dahil sayang ang oras na binigay mo at mawawala pa ang scholarship mo!”  Pinag-isipan ko ang sinabi ng kaibigan ko. Alam ko na mali ito ngunit  desperado na ako.  Ikwinento ko ito sa aking nanay, sinabi ko sa kanya na naguguluhan ang aking isip dahil alam ko na mali ang mangdaya sa pagsubok nguni hindi talaga ako pwedeng bumagsak na.  Sinagot ako ni nanay, na walang magandang kinalalabasan ang pandaraya.   Ang punto ng pag-aaral ay para matuto.  Kung walang balak rin ako matuto, para sa ano pa ang scholarship. Huwag nalang ako pumasok sa paaralan.  Dahil dito, alam ko na kung ano ang dapat kong gawin.  Importante sa akin ang aking mga magulang at nirerespeto ko ang kanilang mga payo.  Nalaman ko na hindi madali ang aking dapat gawin pero ito ang tama.  Kung kailangan ko maghanap pa ng oras para mag-aral, Ito ang dapat kong gawin.  Kahit mapagod na ako ng husto,  kailangan mapagsabay ko ang aking pag-aaral at paglalaro ng basketbol.

Pinuntahan ko ang aking guro at pinayuhan niya akong sumali sa isang study group.  Noong una, nahiya ako sa kanila dahil malalaman nila na bumabagsak na pala ako.  Ngunit, di ko na inisip ang aking reputasyon, inisip ko nalang na dapat magpakumbaba ako at humingi ng tulong.  Tuwing tanghalian, imbis na makipag-kwentuhan kasama ng mga kaibigan ko, nag-aaral nalang ako kasama ng study group. Pagka-uwi ko ng basketball practice, imbis na manood ng TV, nag-aaral rin ako ng mabuti. Dahil dito, naayos ang aking iskedyul at gumanda pa ang grado ko. Kung wala ang tulong ng aking mga guro, magulang, at kaklase, hindi ko maabot ang saan ako ngayon.