Pagkalipas ng ilang taon, nakaranas pa rin ako ng ibang klaseng kasiyahan. “Star player” ako ng aking koponan sa PBA. Sunod-sunod ang aking trabaho bilang isang commercial at artista. Hindi na problema ang pera sa aking pamilya. Masaya ang aking magulang at nabigyan ko sila ng kanilang sariling bahay. Lahat nito ay dahil sa aking trabaho. Ayaw ko isipin kung ano ang mangyayari kung may nakasira nito.  Laki ang pasalamat ko sa Diyos para sa lahat ng aking mga biyaya.

Isang araw, nag-ensayo ako kasama ng aking koponan ng basketball. Araw-araw kami nag-eensayo, ngunit iba ang araw na iyon. Ipinasa ang bola sa akin at tumakbo ako papunta sa ring, tapos, biglang sumakit ang aking binti at may nadapa ako sa sahig ng “basketball court”. Nang subukan kong tumayo, matinding sakit ang naramdaman ko sa aking binti. Hindi talaga ako makatayo. Napasigaw ako at agad namang tumakbo sa akin ang mga ka-koponan ko. Hindi pa kami nakakarating sa ospital ay naisip ko na malamang ay hindi na ako makakapaglaro ng basketbol muli. Hindi ko naisip ang aking sarili at pero naisip ko ang mukha ng aking mga magulang. Ang pumasok sa isipan ko ay ang aking mga pangarap ay nawala ng parang bula. Tiningnan ako ng doktor at ipinagsuri ako sa mga iba’t-ibang “examination”, katulad ng x-ray, CT scan, MRI at kung anu-ano pa. Naisip ko, “Bakit Diyos ko? Bakit ito nangyari sa akin? Paano na ang mga pangarap ko? Paano na si tatay at si nanay? Paano si coach? Paano ang team?” Ang daming tanong ngunit hindi ko masagot. Nang matulog ako ng gabing iyon, ang huling pumasok sa aking isipan ay: “Sana paggising ko, ito ay isang masamang panaginip. Sana hindi totoo ang nangyari ngayon.”

Nang gumising ako, nandiyan pa ako sa ospital. Kasama ako ng aking nanay at tatay. Napakasakit pa rin ng aking binti. Nang dumating ang doktor, naisip ko na ang sasabihin niya sa akin. “May nasirang muscle sa inyong binti. Ilang taon pa na hindi ka pwedeng maglaro ng basketbol, marami kang rehab na kailangan gawin para makalakad muli.” Kamuntik na akong umiyak dahil sa nangyari sa akin.  Ngunit sinabi ko sa aking sarili na, hindi ako mag-gigive up. Gagawin ko ang lahat para makalakad at makapaglaro ako muli ng basketbol.  Araw-araw ay kailangan ko pumunta sa ospital para mag-physical therapy. HIndi pa rin nawawala ang sakit sa aking mga binti. Pinipilit ko ang aking sarili na mag-exercise para lumakas ang aking katawan. Tinulungan ako ng aking pamilya at kaibigan, sinasamahan nila ako sa aking Physical Therapy para makita ko na marami ang nagmamahal at sumusuporta sa akin. Kung hindi dahil sa kanila, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.  Malipas ang isang taon, laking gulat ng lahat na nakabalik ako sa aking koponan. Akala ng lahat ng tao ay wala na akong pag-asa, ngunit naglaro ako muli ng basketball.  Laki ang pasalamat ko sa Diyos na nabigyan niya ako ng isa pang pagkakataon.  Dahil sa aking karanasan, lumakas ang tiwala ko sa Diyos dahil alam ko na walang imposible sa buhay.