Dahil sa aking trabaho sa PBA, masaya na ang buhay ko. Naramdaman ko kung pwede pa itong maging mas masaya. Nagulat ako sa mangyayari sa aking dito. Pagkatapos ng dalawang buwan sa PBA, linapitan ako ng isang advertising agent. Sinabi niya na pwede daw akong maging isang artista sa iba’t ibang commercial sa telebisyon dahil maganda ang personalidad at hitsura ko. Parang bagong ideya ito para sa akin dahil hindi ko naisip na pwede akong maging commercial model. Ako ay isang masaya at mapalad na basketball player, pwede pa ba akong maging model? Tinanggap ko ang kanyang alok at ako’y naging isang sikat na commercial model. Nakakuha ako ng maraming endorsement at sumikat talaga ako. Maraming tao ang lumalapit sa akin at nagpapa-picture at autograph.

Dahil sa bagong trabaho ko pang-”advertising”, linggu-linggo mayroon akong masikip na iskedyul. Sa umaga at hapon, nagpapraktis ako ng basketball kasama ng aking coach at koponan. Sa gabi, nag-mimeeting ako sa mga production tungkol sa aking mga commercial. Kahit sobra akong pagod, kinaya ko ito dahil marami akong kinikita na pera at ayaw ko biguin ang aking mga fans.

Parang wala na akong oras para sa aking sarili, parang sasabog na ang aking ulo dahil hindi ako nagpapahinga. HIndi ko na nakikita ang aking mga magulang at kaibigan. Nagtatampo na ang aking nanay sa akin dahil wala akong oras para sa kanila. Sinabi niya na hindi pwedeng puro trabaho ang aking gawin. Kaya kahit napakadami nga aking kailangan gawin, nagplano ako kasama ng aking mga kaibigan at magulang ng isang “roadtrip”. Sa katapusan ng buwang ito, lahat kami ay pupunta sa Tagaytay Highlands. Ito na ang aking premyo para sa aking sarili.

Dumating na ang araw ng kaligayahan. Handa na ako at ang aking pamilya at kaibigan. Sumakay kami sa aking kotse at ipinatuloy na namin ang paglalakbay. Siguro tatlong oras kami magkasama sa loob ng kotse. Ang dami naming kwento at tawanan kaya hindi kami nainip sa traffic. Sa kabila ng lahat na paghihirap namin, nakarating rin kami sa destinasyon namin. Alas-dose ng hapon ang dumating kami sa Highlands at gutom na kaming lahat. Ang unang ginawa namin ay pumunta sa Tagaytay Highlands Steakhouse. Nag-order ako ng isang malaking hiwa para sa bawat tao. Ang takaw namin at nagustuhan namin ang mga pagkain. Parang nagbago ang aking anyo, pati ang hinga ko dahil “relaxed” na ako. Pagkatapos ng tanghalian, naglakad kami sa buong Tagaytay Highlands. Nakasakay kami sa isang “cable car”. Nahilo ako ng kaunti dahil natatakot ako sa mataas na lugar, pero nakakita rin ako ng mga magandang bista. Paglabas ng “cable car”, nagpunta kami sa Zoo. Ipinahawak ako ng isang manggagawa sa zoo ng isang malaking ibon sa aking braso. Muntik na tukain ng ibon ang aking mukha. Tawang tawa ang mga kasama ko. Nang bumalik kami sa “main area” ng Highlands, kinuha namin ang mga swim shorts at lumangoy kami.

Hindi ko malilimutan ang saya ko sa araw na iyon. Sobra ang “bonding” namin lahat at naintindihan ko ang sinabi ng nanay ko. Dapat hindi puro pera at trabaho ay nasa isip natin. Kailangan natin ibigay ng halaga sa ating pamilya at kaibigan para maging masaya ang buhay.