Ako ay si Miguel Gotao. Isa lang akong simpleng tao na masayahin at pala-tawa.  Tatlo lang kami sa aking pamilya.  Ang tatay ko ay nagtatrabaho sa bangko at ang nanay ko ay isang guro.  Nag-aral ako sa Ateneo de Manila para sa hayskul at kolehiyo.  HIndi kami mayaman ngunit napag-aral ako ng aking magulang at tatlong beses sa isang araw kami kumakain. Masaya kami tuwing magkasama kami.  Simple lang kami na pamilya at nais ko na matulungan ang aking pamilya paglaki ko.  Paborito kong gawain ay maglaro ng basketbol. Swerte ako at matangkad rin ako.  Dahil dito,   nakasali ako sa basketball varsity team at nabigyan ako ng scholarship.  Malaking tulong ito sa pamilya ko.  Masayang- masaya ako dahil nagagawa ko araw araw ang pinakagusto kong basketbol at nakakatulong pa sa pamilya ko.

Noong nag-aaral pa ako sa Ateneo, hindi ko pa alam ang gagawin ko kapag nag-graduate na ako sa hayskul. Ipinagmungkahi ng basketball coach ko na dapat hindi ko sayangin ang talento at ituloy ang aking paglalaro ng basketball. Huwag kong isayang ang aking talento. Inisip ko ito ng mabuti. At sinabi ko sa sarili ko na susundan ko ang aking coach.

Noong nag-”graduate” ako, sinunod ko ang sinabi ng coach ko at hindi ko tinigil ang “talent” ko sa basketball. Sumali ako sa isang grupo sa aming lugar at naglaro kami ng basketbol hanggang sumakit ang kamay namin. Araw-araw binibigay ko ang pinakamahusay na pwede kong ibigay. Naglaro kami sa isang maliit na paligsahan sa barangay namin at nanalo kami ng 1st place. Pagkatapos ng laro, may lumapit sa akin na lalaki. Sabi niya na siya’y isang talent scout at gusto niya akong tulungan dahil napakagaling ko maglaro ng basketball. Tinanggap ko ang kanyang alok, at pinapunta niya ako sa isang try-out.

Dito nagsimula ang karera ko bilang isang basketbolista. Napansin ako ng mga representatives ng PBA. Ipinalaro nila ako sa isa pang “try-out”.  Sobra akong ninerbyos. Kaya ko ba ito? Ganon ba ako kagaling mag-basketbol? Nagulat ako dahil sinabi nila sa akin na maraming akong potensyal at gusto nila akong sumali sa PBA. Naging isang masayang panaginip ang aking buhay. Hindi ako makapaniwala.  Tuwang tuwa ang aking mga magulang at kaibigan.  Ito na ang simula ng aking magandang kinabukasan.

Sumali ako sa roster ng Barangay Ginebra Kings at lahat sila ay naging malapit na kaibigan, para kami isang pamilya. HIndi ko inakala na tatanggapin nila ako at seseryosohin bilang isang baguhan. Ngunit sinuportahan nila ako at tinuruan para maging mas magaling na manlalaro. Nabigyan pa ako nga malaking sweldo.  Parang hindi totoo ang nangyayari sa akin.  Nakakatulong na ako sa aking pamilya at ginagawa ko pa ang nagpapasaya sa akin.  Ang koponan namin ay naging pinakamahusay sa buong association. Napansin ako bilang isa sa mga pinakabagong basketball star.  Ang saya saya ko, nagkatotoo ang aking panaginip, higit pa.  Lahat ito ay nagkatotoo dahil sa aking sipag at tiyaga, dahil naniwala ako na posible ang lahat.  Sa kabila ng hirap at sakit, naabot ko ang aking “dream job” at nalulunod ako sa kasiyahan. Kung laging binibigay mo ang pinakamahusay na pwedeng ibigay, maabot mo ang kahit ano at pwede mong gawin ang kahit lahat.